lagpas
December 2nd, 2006 by romancerbluewe’ll do it all
everything
on our own
we don’t need
anything
or anyone
if i lay here
if i just lay here
would you lie with me and just forget the world?
naglalakad ako papuntang FC (faculty center) galing SC (shopping center) nung martes last last week. napahinto ako dun sa bandang yakal-molave area. may tumatawid na magandang babae. haha. kung kilala niyo ako, mabilis talaga ako maglakad. lalo na kapag mag-isa. yung mga bihirang panahon na mabagal ako maglakad ay kapag may kasamang babae o kung tuliro ako. kaya kapag bumabagal ako maglakad, alam na ng mga kabarkada ko na may nakikita akong kaaya-aya sa mata. pero nung pagkakataon na yun, napahinto talaga ako. pangalawang beses pa lang sa buhay ko. haha. langya yan.
bago nun, may klase ako sa eng’g. nagtext si jig na may laban na daw kami sa TABL kinabukasan (miyerkules). so balak ko pumunta sa tambayan nila pagkatapos ng klase para magtanong ng detalye. pagkatapos nga ng klase, naglalakad ako sa 2nd floor corridor, cs side (left side facing eng’g). tas lumingon ako, may medyo magandang babae sa likod ko. may dalang handouts. or basta mga papel. nakatingin sa ‘kin. nakikita ko na siya dati sa mga bihirang pagkakataon na dumaan siya sa engcaf pero bukod dun, wala naman akong ibang alam tungkol sa kanya. tuloy-tuloy lang ng lakad. syempre medyo bumagal na. haha. lumingon ulit ako tas talagang nasa likod ko na siya (halos magkalapit na). tas nung paglagpas niya sa ‘kin, bigla niyang nabitawan yung handouts. o binitawan. hindi ko alam. pinulot ko at iniabot sa kanya. sinuklian naman ako ng "thank you" at magandang ngiti. tuloy lang kami ng lakad. siya naman ang nasa harap ko ngayon. nung nandun na banda sa stairs, may nakita siyang kakilala. so huminto siya at nakipag-usap. ako naman tuloy-tuloy lang ng akyat sa hagdan, papunta sa tambayan ng ie club. tas nung tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa ‘kin. at sinusundan niya ako ng tingin habang kausap niya yung kakilala niya. nakatingin din ako sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita.
bigla akong napaisip. nabitawan niya lang ba talaga yung handouts o sinadya niyang bitawan? hindi ko alam. syempre ang feeling ko kung iisipin kong sinadya niya. teka, hindi lang feeling, sobrang feeling. pero iba yung ngiti at pagsunod ng tingin niya eh. hindi kaya sinadya niyang bitawan yung handouts para pulutin ko? para magkausap kami? para magkakilala? para itanong ko ang pangalan niya? para mag-usap tungkol sa kung ano-anong mga bagay? hindi ko alam. pero ang feeling nga. haha.
nung kaarawan ni choi sa pampanga ngayong taon, umuwi kami nila jix at kiel sa bahay nila jix para matulog. at para mag-usap-usap na din. syempre yung pinakamahalagang pinag-usapan ay yung hindi magandang nangyayari sa barkada. tas napunta sa babae ang usapan.
jix: tangina bimbo, kailangan na ulit natin maghanap ng babae
ako: hindi naman mahirap maghanap ng babae eh
jix: talaga? eh bakit wala tayong babae ngayon?
ako: hindi mahirap maghanap ng babae. marami diyan. ang problema, wala tayong makita na gusto natin. at kapag nakakakita tayo ng babaeng gusto natin, either hindi naman tayo gusto or gagaguhin tayo.
na-kwento ko na dati sa ngiti na nung enrollment last sem, sinamahan ko si josiah mag-enlist sa pi100. may babae dun na nagtanong sa ‘kin. at ang lakas makipagtitigan. maganda. at sexy din. sige na nga, naka-skirt pa. kung sakaling makakatulong yan sa imagination niyo. wala akong ginawa. hindi ko na kinausap pagkatapos niya magtanong. ni hindi ko tinanong ang pangalan. nung lumabas na ako sa room at hinihintay si josiah sa tapat ng pintuan nakatingin pa din sa ‘kin eh. tas nakita namin ni josiah sa casaa pagkatapos niya mag-enlist. walang kasama. hindi ko pa rin nilapitan. sabi ko nga dati, parang naghihintay ako ng jix na hihirit sa ‘kin ng "bimbo, show us your romancing skills." haha.
na-kwento ko na din dati yung babaeng laging nakikipagtitigan at nakangiti sa ‘kin tuwing magkakasalubong kami. at yung taas ng kilay tas biglang baba ulit act niya na parang "uy" ang ibig sabihin. o kung ano man ang tawag dun. kahit hindi naman kami magkakilala. o basta alam ko hindi ko siya kilala. haayyy.
sa mga yan, nagsayang ba ako ng pagkakataon? pagkakataon bang maituturing ang mga yan?
sabihin na nating hindi sinadyang bitawan nung babae yung handouts na hawak niya. pinalagpas ko ba yung pagkakataon na yun? yung makausap siya at makilala? pinalagpas ko na naman ba katulad ng pagpapalagpas ko sa mga iba pang naunang mga pagkakataon? sinayang ko na naman ba?
sabi ko nga, ang problema, hindi yung kung meron ba o wala. lagi namang meron eh. or halos laging meron. ang totoong problema, kung may gusto ka sa mga nasa paligid mo. at kung gusto mo nga, kung gusto ka din ba. yan ang mahirap na bahagi diyan.
i don’t quite know
how to say
how i feel
those three words
are said too much
they’re not enough
if i lay here
if i just lay here
would you lie with me and just forget the world?
forget what we’re told
before we get too old
show me a garden that’s bursting into life
nung gabing na-kwento ko kay pugoy na kinausap ako ng ex niya (at namulat siya na hindi anghel yung ex niyang yun), napag-usapan namin kung sino sa tingin namin ang unang mag-aasawa sa barkada namin. hinihintay namin si jix nun eh, naubusan ata kami ng mapag-uusapan. una kong hinirit yung mga kabarkada naming may kasintahan. normal lang naman sigurong sila ang mga unang sabihin. pero bawat ihirit ko, may pangontra si pugoy.
ako: si <name ng kabarkada>?
pugoy: masyadong irresponsible
ako: si <name ng kabarkada>?
pugoy: masyadong spoiled
ako: si <name ng kabarkada>?
pugoy: hindi pa rin
ako: onga, romantiko yun pero hindi rin eh
ako: <name ng kabarkada>? <name ng kabarkada>?
ako: hindi rin yung mga yun eh
ako: si <name ng kabarkada>?
pugoy: hindi rin
ako: onga pala, sabi niya dati ayaw niya mag-asawa
iwan na lang nating ganyan yan. yung huli, medyo halata na. at least kung kabarkada ka namin.
eto yung kasunod nung usapan.
ako: eh sino?
pugoy: ikaw
ako: sino?! i mean, sinong babae?
nagulat ako dun. ako?! ako talaga? nakakatuwa na ganun ang tingin sa akin ng isang kabarkada. sa lahat sa amin, iniisip niyang ako ang pinakahanda sa ganung klaseng pamumuhay, sa ganung klaseng responsibilidad. nakakatuwa din na wala siyang maisip na pangontra sa ‘kin na kung ano man para isipin niya ang bagay na yun.
hindi naman sa kinokontra ko siya. hindi sa iniisip kong mali siya. bata pa lang ako, nakatatak na sa isip ko ang maging isang sobrang mabuting kapareha, ang magkaroon ng isang sobrang sayang pamilya. hindi ko alam kung kakaiba yun pero bigyan niyo ako ng iba pang siyam na taong gulang na bata na ganun mag-isip. maaga nga siguro akong nagkamalay. pero ayun nga… sino? sinong babae?
let’s waste time
chasing cars
around our heads
i need your grace
to remind me
to find my own
if i lay here
if i just lay here
would you lie with me and just forget the world?
forget what we’re told
before we get too old
show me a garden that’s bursting into life
wala akong kasintahan. at hindi naman ako nagmamadali magkaroon. haste makes waste nga daw. may mga panahon na ayos lang sa ‘kin na ganun ang sitwasyon. may mga panahong hindi. ayos lang kapag sobrang busy. yung tipong kahit pagkain at pagtulog hindi na nagagawa ng maayos. walang magtatampo, walang magagalit. ayos lang kapag walang pera. haha. aminin na nating lahat na kapag may babae ka (o lalake, kung babae ka man), may gastos (unless kabuhayan showcase yung "napanalunan" mo at sagot niya lahat). sinungaling ka kapag sinabi mo sa ‘kin na hindi totoo yan.
may mga panahon din na naiisip ko ang kabaliktaran nun. ano kaya kung may kasintahan ako ngayon? paano kaya ang buhay kung may kasintahan ako ngayon? minsan naiinggit din ako. tulad ni jix, may mga panahon din na naiisip kong ang dami kong kayang ibigay. at sa mga bihirang panahon na yun, naiisip ko yung mga pagkakataon na pinalagpas ko.
pero sabi ko nga, hindi dapat pinoproblema ang bagay na yan. hindi minamadali. hindi inaapura. mahirap na. nakamamatay. tulad nga ng sabi ko sa isang kabarkada kong inlababo ngayon, "ingat… fatal ang love pare."
ang magandang gawin kung wala kang inaalala, este hindi ka in love, pagbutihin mo ang sarili mo. kung bumabangon ka pa lang sa hukay, mas dapat mong gawin yan. magpakaligaya ka. yung ikaw lang. yung para sa sarili mo. isa sa mga pinakamalaking kalokohan ay yung hindi ka liligaya kapag wala yung taong mahal mo (romantically). kapag wala si baby, si bie, si honey, si hon, si darling, si mahal, si love, si kung ano man ang tawagan niyo. kalokohan yan. tayo ang gumagawa ng sarili nating kaligayahan.
pero hindi ibig sabihin niyan na id-dismiss mo na yung thought na mahulog sa isang tao. hayaan mo lang kung ano man yung mga nangyayari. huwag kang magpaka-pugoy. dati sobrang ayaw niya mahulog kanino man. kung may nangyayari mang kung anong bagay, napa-paranoid siya. labo.
kami ni jix parang, "pugoy, bakit ka ganyan?" ang sagot sa amin ni pugoy, bakit niya iiskoran/liligawan (o basta ie-entertain yung feeling) kung alam niya namang hindi yun ang makakasama niya sa habang-buhay.
sabi ko kay pugoy, hindi niya naman agad malalaman yun. ano ba ang basis niya para sabihin yung bagay na yun? feeling ko wala. hindi naman kapag nakilala mo yung tao malalaman mo na agad kung siya na ba talaga ang para sa ‘yo o hindi pa. sabihin nating hindi mo kilala yung babae. kaya ka makikipagkilala kasi nagagandahan ka sa kanya. o kung ano mang physical attraction ang meron. hindi ako maniniwala sa ‘yo kapag sinabi mong walang kahit anong physical attraction sa umpisa. doon nagsisimula ang lahat. kapag kilala mo na siya, at nagustuhan mo, liligawan mo na. liligawan mo kasi gusto mo pa siyang makilala lalo, bukod pa sa gusto mo siyang maging kasintahan. kung swertehin ka man at sagutin ka niya, hindi ka naman magp-propose agad ng kasal eh, kikilalanin mo pa lalo. kapag sobrang sigurado ka nang siya ang gusto mong makasama habang-buhay, tsaka mo pa lang tatanungin kung ganun din ba ang gusto niya. at kahit na kasal na kayo, hindi pa rin natatapos yung pagkilala sa isa’t isa. so sobrang imposible talagang malaman sa simula kung siya na ba yung makakasama mo sa habang-buhay o hindi pa. hindi ba?
ang akin lang naman, bakit mo puputulin agad yung pagkilala mo dun sa tao? dahil natatakot kang mahulog sa kanya? eh paano kung siya pala yung hinihintay mo, pinalagpas mo lang yung pagkakataon na kilalanin siya. hindi dapat kinakatakutan ang kamatayan. yung kamatayan na tinutukoy ko sa patay. sabi nga ni pugoy, "dahil sa mga pagkakataon na ito’y kung kelan pwede tayo sobrang sasaya." sige lang, tuloy lang. pero ingat.
kung pusa ako, anim pa ang natitirang buhay ko. madami-dami pa. para sa kukuha ng pang-apat/panglima/pang-anim/pang-kung ilan mang buhay ko, paki-alagaan lang ng konti. kahit konti lang. siguro lagi kong sasabihin kung gaano ako ka-swerte sa ‘yo. kung gaano ako pinagpala ng diyos na ikaw ang kasama ko. pero sinisigurado ko sa ‘yo, hindi ka masyadong malulugi. at hindi ko palalagpasin ang kahit anong pagkakataon para iparamdam sa ‘yo yun.
all that i am
all that i ever was
is here in your perfect eyes, they’re all i can see
i don’t know where
confused about how as well
just know that these things will never change for us at all
if i lay here
if i just lay here
would you lie with me and just forget the world?
-> chasing cars - snow patrol
maraming salamat sa nagpakilala sa ‘kin ng kantang yan. ang tagal ko ding hindi alam yung title niyan. at salamat sa maraming iba pang bagay. =)